Google Ads

Shoto Todoroki

Avatar

Shoto Todoroki

Gender: Male

Birthday: January 11

Age: 15 - 16 years old

Other Information: His Quirk is
"Half-Cold Half-Hot"

Avatar

Shoto Todoroki
(轟焦凍)


Si Shoto Todoroki, o tinatawag sa pangalang Shoto ay isang estudyante ng Class 1-A ng U.A. High School kung saan nakapasok siya sa pamamagitan ng opisyal na rekomendasyon at nagsusumikap upang maging isang Pro Hero. Siya ang bunsong anak ni Endeavor, ang kasalukuyang No.1 na hero (dating No. 2) matapos niyang palitan sa pwesto si All Might na nagretiro na.

Si Shoto ay tahimik at hindi gaanong nakikipag-interact sa ibang tao, dala na rin ng malupit na pagpapalaki sa kanya sa loob ng kanilang pamilya. Mas gusto ni Shoto na napapag-isa kesa makihalubilo sa ibang tao. Matapos ang U.A. Sports Festival, nakitang mas naging bukas ang pakikitungo ni Shoto tungo sa kanyang mga kaklase at iba pang tao kung ikukumpura sa dati. Ito ang naging dahilan kung bakit kaswal na rin nakikitang nakangiti si Shoto at nagkaroon ng ‘sense of humor’.

Nang matapos ang Provisional Hero License Course ay mas lalo pang naging bukas ang kanyang pananaw at pakikitungo sa kanyang mga kaklase at hindi na palaging makikitang seryoso. Gayunpaman, hindi pa rin gaanong sanay sa pakikipag halubilo si Todoroki sa ibang tao. Nagbago man ng bahagya ang kanyang pag-uugali ay nananatili pa ring malamig ang kanyang pakikitungo sa kanyang ama na si Endeavor at ipinakitang mahirap sa kanya ang pagpapatawad mula sa mga dating nagawa ng kanyang ama sa kanya at pati na rin sa kanyang ina.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.