Google Ads

Ryuk the Shinigami

Avatar

Ryuk

Gender: Male

Birthday: Unknown

Age: Unknown

Other Information: He is a bored Shinigami that drops a
Death Note.

Avatar

Ryuk
(リューク)


Si Ryuk ay isang Shinigami na may-ari ng Death Note na napulot ni Light Yagami. Inamin nitong sinadya nitong ihulog sa kung saan ang notebook dahil sa kanyang pagkabagot sa Shinigami Realm o lugar para sa mga Shinigami. Upang maaliw siya ay naisipan niyang ihulog ito sa mundo ng mga tao kung saan sa hindi sinasadyang pagkakataon ay si Light Yagami ang nakapulot, isang lalaking ginagamit ang Death Note upang linisin mula sa kasamaan at magbigay ng hustisya sa mundo kung saan ay labis namang ikinaaliw ni Ryuk ang mga pangyayari.

Si Ryuk ay halos may anyong tao. Payat at mayroong kulay-abong balat, patusok ang buhok, blue-gray na labi at mga matutulis na ngipin. Maraming suot na singsing si Ryuk sa kanyang mga daliri. Malaki at kulay dilaw ang kanyang mga mata na pula sa gitna. Mayroon rin itong pakpak na nagagamit niya upang makalipad, maaari niya itong tanggalin kapag hindi niya ito ginagamit.

Mahilig rin siya sa mansanas at inilarawang ang kahiligan niyang ito ay maitutulad sa bisyo ng pagsisigarilyo at alak ng tao. Ang mansanas galing sa mundo ng mga Shinigami ay lasang buhangin kaya noong natikman niya ang mansanas sa mundo ng mga tao ay nakahiligan niya ito.
Si Ryuk ang siyang nagsulat ng mga instructions sa loob ng Death Note sa wikang Ingles dahil sa tingin niya ay ito ang pinaka kilalang linggwahe sa mundo ng mga tao. Ito ay upang maintindihan ng kung sinuman na makapulot nito kung paano ito gagamitin.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.