Google Ads

Sasuke Uchiha

Avatar

Sasuke Uchiha

Gender: Male

Birthday: July 23rd

Shippuden Age: 17 Years Old

Other Information: Last Uchiha, Uchiha Clan

Avatar

Sasuke Uchiha
(うちはサスケ)


Si Uchiha Sasuke ay isa sa mga natitirang Uchiha na nabubuhay sa angkan ng mga Uchiha matapos paslangin at ubusin ng kanyang nakatatandang kapatid na si Itachi ang kanilang buong angkan. Ginawang motibasyon at misyon ni Sasuke na ipaghiganti ang kanyang buong angkan kabilang na dito ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagpatay kay Itachi.

Kabilang siya sa Team 7 o Team Kakashi at dito nakilala ang pinakamahigpit niyang karibal na si Naruto Uzumaki. Sa kompetisyon sa pagitan ng dalawang ito ay unti-unting humahasa ang mga kakayanan ni Sasuke bilang isang ninja. Sa kabila ng pag-unlad ng kanyang mga kakayanan, hindi pa rin kuntento si Sasuke at napagpasyahang lisanin ang bayan ng Konoha para lamang makamit ang inaasam niyang lakas at kapangyarihan upang maisakatuparan ang kanyang paghihiganti. Sa mahabang panahon ng kanyang pag-aasam ng paghihiganti ay unti-unting lumilihis ang kanyang landas na siya namang dahilan upang malayo siya sa mga taong nagpapahalaga sa kanya.

Nang tuluyan nang nalihis ng landas si Sasuke ay itinuring siya bilang isang criminal hindi lamang sa iisang lugar kundi sa buong mundo. Matapos malaman ang katotohanan sa likod ng sakripisyo ng kanyang nakatatandang kapatid na si Itachi ay napagpasyahan niyang tumulong sa pagtapos ng Ikaapat na Shinobi World War.

Masaya siyang tinanggap ni Naruto at nagpasyang bumalik sa bayan ng Konoha. Pinangako niyang puprotektahan ang Konoha at mga mamamayan nito sa abot ng kanyang makakaya habang siya ay nabubuhay. Kalaunan ay binansagan siyang ‘Supporting Kage’ o ‘Supporting Shadow’.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.