Google Ads

Sakuragi Gang

Avatar

Sakuragi's Gang

Information:

Sakuragi's Gang has five members consisting

Avatar

The Sakuragi Legion
(桜木軍団)


Ang gang ni Sakuragi ay may limang miyembro. Ito ay sina Chuichirou Noma, Yuji Ohkusu, Nozomi Takamiya, Yohei Mito at Hanamichi Sakuragi bilang kanilang lider. Sa kabila ng kanilang bukal sa loob na pagtulong at pagdamay sa oras ng pangangailangan ni Sakuragi ay lagi nila itong tinutukso kung saan laging nauuwi ang mga ito sa pagkakaroon ng bukol gawain ng pag-untog ni Sakuragi sa kanilang mga ulo.

Palagi rin nila itong pinagpupustahan kung magtatagumpay ba o hindi si Sakuragi sa kaniyang mga ginagawa. Halimbawa nito ay pagdating sa panliligaw. Madalas nilang pinagpupustahan kung sasagutin ba o hindi si Hanamichi ng kaniyang nililigawan. Ang kalokohan ng mga magkaibigang ito ay naaabot hanggang sa pagsingil nila ng pera sa kung sino man ang gustong makakita ng bagong hairstyle ni Hanamichi. Ganunpaman, si Yohei, ang isa sa mga mapapagkatiwalaang lubos sa kanilang grupo, kasama pa ng ibang kaibigan nila ay dumadalo at pumupunta mismo sa mga laro ni Hanamichi upang sumuporta.

Suporta nga ba? Hindi lamang suporta pati na rin pag-inis sa kanilang kaibigang si Hanamichi. Ang mga magkaibigang ito rin ang siyang tumulong kay Sakuragi na gumawa ng 20,000 shots sa loob lamang ng isang linggo bilang paghahanda sa kanilang laro para sa National Championships. Madalas mang mapasabak sa mga away ay makikitang walang iwanan ang magkakaibigang ito sa kahit anong panahon. Kahit noong sinugod ni Mitsui ang basketball gym ng Shohoku upang maghanap ng away at tuluyang madisqualify ang team para sa laro ay tumulong rin ang gang ni Sakuragi upang pigilan ang grupo ni Mitsui.
Ang ganitong pagkakaibigan ay madalas ring makita sa ating mga Pinoy. Pagkakaibigang puno ng kalokohan, pagsuporta sa oras ng pangangailangan, at kahit pa man sa mga away ay magkakasama.