Google Ads

Saitama

Avatar

Saitama

Gender: Male

Birthday:Unknown

Age: 25 Years Old

Ability: Immeasurable Strength,

Avatar

Saitama (サイタマ, Saitama)


Si Saitama ang siyang bida at pangunahing karakter sa anime series na One Punch Man. Ayon sa kwento, si Saitama ang siyang pinaka malakas na nilalang na nabubuhay sa mundo. Ngunit ang lakas na ito ang siya ring nagdala sa kanya ng kanyang problema- ang unti-unting pagkawala ng kanyang emosyon, partikular na dito ang pagkakaroon ng pagkasabik sa laban.

Nagsimula bilang isang taong libangan lamang ang pagiging bayani. Ngunit kalauna’y pormal na nagparehistro upang maging isang propesyunal na bayani isa ilalim ng Hero Association nang mapansin niyang wala ni isa ang nakakakilala sa kanya bilang isang bayani. Patuloy niyang pinoprotektahan mula sa iba’t-ibang uri ng halimaw at kalaban ang kanyang lugar at tirahan sa City Z. Sa ilalim ng Hero Association, siya ay opisyal na nakarehistro bilang si Caped Baldy.

Si Saitama ay maituturing na isang napaka mapagkumbabang tao, nakita ito noong hinayaan niyang magalit sa kanya ang mga tao at magsabi ng kung ano-ano para lamang hindi masira ang tingin ng mga ito sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay sa laban at muntik nang matuluyan laban kay Deep Sea King. Idinagdag pa niyang humina na ang kalaban na ito dahil sa mga atakeng natanggap mula sa mga bayaning una nitong nakaharap kaya pagdating sa kanya ay iisang suntok lang ang kinailangan para mapatumba ito. Ganunpaman, hindi niya parin inilantad sa madla na siya ang taong nasa kabila ng lahat ng pagkatalo ng malalakas na kalaban at halimaw sa mundo. Hindi niya rin inantala na akuin lahat ni King ang puri at kasikatan na siya ang may gawa dahil para sa kanya hindi ito ganon kahalaga.

Nagpakita rin si Saitama ng galak sa kanyang kalaban na nakakapagbigay sa kanya ng isang magandang labanan at hindi basta natatalo sa iisang suntok lamang mula sa kanya. Isa na dito si Boros, na sinasabing siya ang nangingibabaw sa buong sansinukob. Nakaramdam ng simpatya sa kanya si Saitama pagkatapos malaman na pareho sila ng pinagdadaanan at nagtataglay ng matinding lakas. Ngunit sa huli ay kahit si Boros na nanggaling pa sa ibang lupalop ng sansinukob ay hindi nanaig sa pambihirang lakas na meron si Saitama.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.