Google Ads

Poor Man's Rose

Avatar

Poor Man's Rose

Information:

Small weapon, Mass destruction, Small bomb.

Avatar

Poor Man's Rose
(貧者の薔薇, Hinja no Bara) or Miniature Rose


Ang miniature rose bomb ay may hugis na parang kahon. Ang maliit na kahong ito ay sinasabing naitatago ni Isaac Netero sa loob ng kanyang katawan. Kung ang bomba sa loob nito ay sasabog, ang usok mula sa pagsabog na ito ay maghuhugis na parang isang namumukadkad na rosas kung saan inihalintulad dito ang pangalan nito. Ang Miniature Rose ay isang uri ng maliit na bagay na maaaring gawing sandata na kayang magdulot ng labis na pagkasira maging lugar man, bagay o sangkatauhan. Bukod sa hindi ito kamahalan ay mabilis pa itong nagagawa sa loob lamang ng maiksing panahon na siya namang nakapagbigay ng pabor sa mga maliliit na grupo na may diktadura. Ang sandatang ito maliit man ay kayang makapag pakawala ng matinding pagsabog na maging si Meruem na siyang hari ng mga Chimera Ant ay mailalagay nito sa bingit ng kamatayan.

Sa isang normal na uri ng tao ay sa pagsabog pa lamang ay hindi na makakaligtas at kung sakali mang makaligtas ka sa pagsabog ay hindi pa rin magagarantiya na ligtas na ang iyong buhay. Sapagkat magpapakawala ito ng lason na malalanghap mo at agad na sisira ng iyong buong katawan mula sa loob. Ang iyong mga laman-loob ay unti-unting sinisira ng lason na sinasabing mas matindi sa kahit anumang lason. Ang lason na ito ay pinapaniwalaang magdudulot ng mabagal at labis na sakit bago ka tuluyang malagutan ng hininga.

Malalaman mong nakalanghap ka na ng lason kapag ikaw ay nagsimulang sumuka ng dugo at makaranas ng padurugo ng ilong. Ang lasong ito ay napakatindi na nagawang kumitil sa buhay ng dalawang maharlikang guwardiya sa loob lamang ng hindi humigit sa isang oras at kalaunan ay siya ring dahilan ng pagkamatay ni Meruem.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.