Google Ads

Naruto Uzumaki

Sino si Uzumaki Naruto tagalog, Sino si Naruto?, story of naruto, naruto tagalog dub

Avatar

Naruto Uzumaki

Gender: Male

Birthday: October 10th

Shippuden Age: 17 Years Old

Other Information: Sensor Type, Jinchūriki, Sage

Avatar

Naruto Uzumaki
(うずまきナルト)


Si Uzumaki Naruto o mas kilala sa pangalang Naruto ay isang Shinobi ng bayan ng Konoha. Siya ang jinchuriki ng Nine-Tails na nakakulong sa loob niya mula kapanganakan na siyang naging dahilan upang ipagtabuyan at makatanggap ng hindi magandang pagtrato mula sa kanyang mga kababayan. Matapos mapabilang sa Team 7 o tinatawag rin na Team Kakashi ay lubos na nagsanay makamit lamang ang hinihiling niyang mabuting pagkilala at pakikitungo mula sa mga mamamayan ng bayan ng Konoha.

Sa loob ng mahabang panahon, sa dami ng hirap na kanyang pinagdaanan ay naging isa siyang huwarang ninja na kinilalang bayani sa kanilang sariling bayan at kalaunan ay maging buong mundo at binansagang Bayani ng Konoha.

Isa siya sa mga shinobi na nakipaglaban noong Ikaapat na Shinobi World War. Isa siya sa may pinakamalaking parte sa labanang ito na kanila namang naipanalo na siyang naging daan upang makamit ang kanyang pangarap na maging isang Hokage. Kalaunan ay hinirang siyang Ikapitong Hokage ng bayan ng Konoha.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.