Google Ads

Izuku Midoriya

Avatar

Izuku Midoriya

Gender: Male

Birthday: July 15

Age: 14 - 16

Other Information: Teenage boy
with green eyes and messy
dark green hair

Avatar

Izuku Midoriya
(緑谷出久)


Si Izuku Midoriya o kilala rin bilang Deku, ay ang pangunahing karakter ng series na My Hero Academia. Ipinanganak man na walang tinataglay na ‘quirk’, nagawa niyang mahimok ang atensyon ng pinakamalakas na bayaning nabubuhay sa mundo na si All Might dahil sa kanyang likas na pagkakaroon ng matibay na pananalig sa hustisya at pagiging bayani. Naging malapit ang kanyang loob sa kanyang idolo na si All Might at kalaunan ay naging guro niya ito sa kanyang pinapasukan na akademiya na U.A. High School. Ipinasa sa kanya ni All Might ang kapangyarihan ng ‘One For All’ at naging ika-siyam na tagapagmana ng kapangyarihan nito.

Si Izuku ay maliit kumpara sa kanyang mga kaedad. Mayroon siyang bilog na mukha at maikli ngunit malabong na buhok na may kulay na dark-green. Malaki at bilog rin ang kanyang mga mata at may kulay na kagaya rin sa kanyang buhok na nagbibigay sa kanya ng inosenteng hitsura.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.