Google Ads

Light Yagami

Avatar

Light Yagami

Gender: Male

Birthday: February 28

Age: 7-18 years old
23 (post-timeskip)

Other Information: Light Yagami
is the main protagonist of the
manga series. Death Note

Avatar

Light Yagami
(夜神月)


Si Light Yagami o mas kilala sa tawag na Light, ay ang pangunahing karakter ng Death Note series. MAtapos mapasakamay niya ang Death Note, naisipan niyang gamitin ito upang lipulin ang mga criminal sa mundo. Ang mga pagpatay na ito ay naging popular lalo na sa Japan at binansagan siyang “Kira”.

Si Light ay lumaki kasama ang kanyang pamilya sa Japan na binubuo ng kanyang ama na si- Soichiro Yagami, na miyembro ng Japanese Task Force (isang investigation team na binuo upang sugpuin si Kira), ng kanyang ina na si- Sachiko Yagami, at ang kanyang nakababatang kapatid na babae na si- Sayu Yagami.

Si Light ay mailalarawang bilang isang brilyanteng estudyante, puno ng talent, at isang natural na henyo. Dala ng kanyang talino pagdating sa problem solving, masasabing madali lang kay Light ang pagpaplano at pagtantya ng mga bagay-bagay. MAkikita sa series na si Light ay popular sa kanilang skwelahan at napalaki ng maayos sa kanilang pamilya.

Noong taon ng 2006, napulot ni Light Yagami ang isang misteryosong notebook sa kanilang skwelahan noong siya ay pauwi na. Nakasulat sa harapan ng notebook na ito ang salitang “Death Note”. Sa loob ay makikita ang ilang mga instruction nito. Isa na dito ay kapag ang pangalan ng isang tao ay naisulat dito ay ito ay mamamatay. Noong una ay hindi pinaniniwalaan ni Light ang mga nakasulat sa notebook na ito at naisip na baka gawa-gawa lamang ito ng tao. Ngunit matapos nitong subukan at eksperimentuhan ito ay dito niya napatunayang ang Death Note ay totoo.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.