Google Ads

Levi Ackerman

Avatar

Levi Ackerman

Gender: Male

Birthday: December 25th

Chapter Age: 30 (850) 34 (854)

Avatar

Levi Ackerman
(リヴァイ・アッカーマン) Rivai Akkāman


Si Levi Ackerman na tinatawag rin bilang si Kapitan Levi ay ang kapitan ng Scouts. Siya ang pinuno ng Special Operation Squad sa loob ng Scout Regiment at sinasabing pinakamalakas na sundalo ng sangkatauhan.
Si Kuchel Ackerman na kanyang ina na nagtatrabaho bilang isang prostityut sa Underground ay sinasabing nabuntis ng isa sa kanyang mga kliyente at si Levi ang siyang naging bunga. Si Kuchel ay may isang nakakatandang kapatid na nagngangalang Kenny Ackerman. Pumunta ng lungsod si Kenny upang bisitahin ang kaniyang kapatid at dito niya nalamang ito ay patay na. Doon ay Nakita niya si Levi na buto’t balat at kaawa awa ang sitwasyon na nakaupo sa harap ng higaan ng kaniyang ina.
Sa isang bihirang pagkakataon ay nagpakita ng pagkahabag si Kenny at nagdesisyong palakihin at alagaan si Levi. Dinala at pinalaki niya si Levi sa Underground: tinuruan siya ng kasanayan sa kutsilyo, kung paano makisama sa mga tao, at pati na rin ang marahas na pag-uugali. Natutunan din ni Levi na gumamit ng kanyang natatanging lakas na mayroon siya bilang isang miyembro ng pamilyang Ackerman.
Lumipas ang panahon at kalaunan ay naituro ni Kenny lahat ng kanyang nalalaman kay Levi. Ganunpaman, hindi niya itinuring ang kaniyang sarili na isang Mabuti at huwarang ama para sa kanyang pamangkin na si Levi. Isang araw sa lungsod, nakapagsimula ng isang away si Levi na madali naman niyang natapos at naipanalo. Dito mag sisimula ang kwento ni Levi nakong paano siya naging kasapi ng Scout Regiment.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.