Google Ads

Leorio Paradinight

Avatar

Leorio Paradinight

Gender: Male

Birthday: March 3rd

Age: 19 Years Old

Nen Type: Emission

Avatar

Leorio Paradinight
(レオリオ゠パラディナイト)


Unang nakita si Leorio sa barko na nagmula sa Whale Island, na bayan ni Gon, patungo sa lugar ng 287th Hunter Exam. Siya, si Gon at Kurapika ang tatlong kandidato na hindi nagpatinag sa sinabi ng kapitan ng barko na may paparating na isang malakas na bagyo. Nang sinabi ng kapitan na siya ang isang tagasuri at tinanong sila kung bakit nais nilang maging hunter at ang isinagot ni Leorio ay dahil naaakit siya sa mga materyal na bagay na pwede mong makuha kapag ikaw ay isang hunter.

Sa isang malaking lagusan, siya kasama sila Kurapika at Gon ay nakakakita ng maraming mga dalubhasa. Ang Rookie Crusher na si TOnpa ay inalok sila ng inumin ngunit agad nitong itinapon ang inumin matapos sabihin ni Gon na meron itong masamang lasa. Ang isang tagasuri na si Satotz ay sinabing sundan siya ng mga kalahok sa lagusan na ito. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis si Satotz at halos hindi na makahabol si LEorio. Matapos ang limang oras ng walang tigil na pagtakbo, halos sumuko si Leorio sa sobrang pagod. Tinawag siya ni Gon at bigla siyang nabuhayan at nagsimulang tumakbo ng mabilis habang sumisigaw na gagawin niya ang lahat upang maging isang hunter, dito narin mag sisimula ang kwento no leorio sa hunter x hunter at kanilang pagkakaibigan.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.