Google Ads

L Lawliet

Avatar

L Lawliet

Gender: Male

Birthday: October 31

Age: 24-25 years old

Other Information: His Alias
Hideki Ryuga, Ryuzaki, Eraldo Coil,
and Deneuve"

Avatar

L Lawliet
Lローリエット)


Si “L” ay isang sikat na detective na tumanggap sa hamon ng paghuli kay Kira. Sa kanyang imbestigasyon, isa sa kanyang mga napagsuspetyahan na si Kira ay si Light Yagami. Habang tumatagal ay tumitindi ang kanyang pagsususpetya dito at sa huli ay sinabi niyang papatunayan niyang si Light at si Kira ay iisa.

Si L ay isang pala-sikretong tao at nakikipag-ugnayan lamang sa ibang tao sa pamamagitan ng kanyang assistant na si Watari. Kailanman ay hindi niya ipinakita ang kanyang mukha sa publiko kundi gumagamit lamang ng letrang “L” na nakasulat sa font na Old English MT.
Siya man ay kilala sa kanyang pagiging magaling at mahusay na detective sa buong mundo,Si L rin ay may sensitibong pride katulad ni Light. Takot na maging mali ang mga prediksyon at mga teorya nito sa kanyang isip.

Mapapansin sa series na maraming pagkakatulad si L kay Light at isa na dito ang kanilang pagiging matalino at talentado. Halos parehas rin silang dalawa kung mag-isip. Kung meron mang isang napakalaking pagkakaiba ang dalawang ito ay sa panlabas na hitsura o kaayusan. Habang si Light ay masasabing prominente at malalamang napalaki ng maayos at malusog sa kanilang pamilya, si L naman ang kabaliktaran- lubog ang mga mata, laging hindi mayo ang pag-upo at kadalasang nakasuot lamang ng plain na puting t-shirt at pantalon kahit sa anong okasyon.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.