Google Ads

Kurapika

Avatar

Kurapika

Gender: Male

Birthday: April 4th

Age: 18 Years Old

Nen Type: Conjuration

Avatar

Kurapika
(クラピカ)


Si Kurapika ay nagmula sa tribo ng mga Kuruta na kilalang nagtataglay ng nagliliyab na mga mata. Ang pangkat na ito ay naninirahan sa isang liblib na kagubatan na walang nakaka alam. Ngunit sa isang kapahamakan namatay at naubuos ang mga Kuruta clan dahils sa pagsalakay ng mga Phantom Troupe. Isinumpa ito ni kurapika na hahanapin nya ang mga ito at tatapusin upang kanyang maipaghiganti ang kanyang mga ka tribo.
Namataan ang unang labas ni Kurapika sa serye, sa isang barko na mula sa Whale Island patungo sa isang lugar ng pagsubok ng 287th Hunter Exam., si Gon at Leorio ang tanging tatlong kandidato na hindi naapektuhan ng bagyo noong gabi. Nang sinabi ng Kapitan ng barko na may isa pang bagyong paparating na mas mabagsik pa ay ang tatlo lamang ang nagpasyang hindi umalis sa barko. Nung una ay tumanggi siyang sagutin ang tanong ng Kapitan tungkol sa kanyang motibo sa pagsali sa Hunter Exam, ngunit nang sinabi ng kapitan na siya ang isang tagasuri ay sinabi ni Kurapika na siya ang huling natitirang miyembro ng kanilang tribo at nagnanais na pagbayarin ang grupong umubos sa kanilang pangkat ang Phantom Troupe.

Pagdating nila sa Zaban City isa sa mga kiriko ang magdadala sa kanila sa lihim na pasukan ng exam hall. Si kurapika at leorio ay nagsimula ng isang debate sa kung bakit nilang maging isang Hunter. Pareho nilang tinanong si Gon kung ano ang kahulugan sa kanya ng pagiging isang hunter. Bago sumagot si Gon ay narating na nila ang unang pag subok sa pagiging isang hunter. Dito nila makikilala si Killua at dito narin mag sisimula ang kanilang pagkakaibigan at kwento ng kanilang buhay.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.