Google Ads

Killua Zoldyck

Avatar

Killua Zoldyck

Gender: Male

Birthday: July 7th

Age: 12 Years Old

Nen Type: Transmutation

Avatar

Killua Zoldyck
(キルア゠ゾルディック)


Si Killua Zoldyck o Killua ay ikatlo sa kanilang limang magkakapatid. Ang kanilang pamilya ay kilala bilang isang pamilya ng mga assassin. Kinalakihan ni Killua ang tradisyunal na pagsasanay sa kanilang pamilya na binibigay sa kanya ng kanyang ama na si Silva at ang kanyang nakakatandang kapatid na si Illumi. Sa murang edad ay bihasa na sa pagiging assassin si Killua at siya ring itinakdang isa sa mga pinakamahusay na assassin sa kanilang buong angkan. Sa edad na tatlo, nagsimula na siyang mag ensayo sa pagiging assassin na karaniwang nailalagay ang kanyang buhay sa peligro.

Isa si Killua sa mga rookie na nakarating sa Zaban Tunnel at doon din ang kanyang unang labas o unang siyang ipinakita sa Hunter x Hunter. Dun niya nakilala si Tonpa na isa rin sa mga kalahok sa Hunter Exam. Inalok siya ni Tonpa ng inumin at tinanggap niya naman ito sa kabila ng paghihinala na ang inumin na yon ay naglalaman ng ilang mga kemikal. Nang maglaon ay humingi siya ng apat na iba pang mga inumin na ikinagulat ni Tonpa. Sinabi naman ni Killua na malakas ang resistensya ng kanyang katawan sa lason sapagkat isa ito sa mga pagsasanay na meron sa kanilang pamilya.

Dumating si Satotz upang ipahayag ang pagsisimula ng 287th Hunter Exam, kung saan susundan siya ng mga aplikante sa susunod na lugar ng pagsusuri. Habang gamit ni Killua ang kaniyang skateboard at nadaanan niya ang iba pang kalahok na sila Gon Freecs, Kurapika, at Leorio Paradinight. Sinabihan siya ni Leorio na isang pandaraya ang kanyang ginawa dahil sa paggamit nya ng skateboard at agad namang nag salita si Gon at sinabing hindi ito isang pandaraya. Pinabayaan siya ni Leorio sa paggamit ng kanyang skateboard. Tinanong ni Killua kung ilang taon na si Gon at nalaman nilang pareho silang halos maglalabindalawang taong gulang. Nagpasya siyang tumakbo sa tabi nila at tinanong naman ang edad ni Leorio. Sinabi ni Leorio na hindi pa siya 20 at parehong nabigla si Killua at Gon sa kanyang sinabi. Doon narin nag simula ang kanilang pagkakaibigan at nag simula ang kanilang mga kwento.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.