Google Ads

Katsuki Bakugo

Avatar

Katsuki Bakugo

Gender: Male

Birthday: April 20

Age: 16 years old

Other Information: Bakugo is
one of the two main
protagonists/deuteragonist of
the My Hero Academia

Avatar

Katsuki Bakugo
(爆豪勝己)


Si Katsuki Bakugo o tinatawag rin sa pangalang ‘Kacchan’ ng kanyang mga kababata ay isang estudyante ng Class 1-A sa U.A. High School. Kilala rin siya sa kanyang alyas bilang bayani bilang ‘Great Explosion Murder God Dynamight’. Nagsusumikap si Bakugo upang maging Pro Hero kagaya ng iba pa niyang mga kaklase.

Si Bakugo ay isang binatang may katamtamang tangkad, matipunong katawan, at may kaputian ang balat. Ang kanyang buhok ay ‘spiky’ at may kulay na ‘blonde’. Ang kanyang mga mata ay Matulis kung makatingin at matingkad na pula ang kulay.
Mula nang maging estudyante ng U.A. High School at nakatanggap ng ilang mga pagkatalo kabilang na dito ang kanyang pagkatalo mula sa kanyang kaklase na si Izuku Midoriya ay unti-unting nag-iiba ang kanyang ugali at mas nagiging maintindihin.

Kilala si Bakugo bilang isang taong may maikling pasensya, arogante, at agresibong pag-uugali lalong lalo na sa simula nang series. Sa unang tingin, aakalain mo na siya ay isang kalaban dahil sa ugali lalo ng mga taong hindi siya kilala. Ang kanyang magaspang na ugaling ito ay naipakita mula pa noong kabataan nil ani Izuku Midoriya kung saan lagi niyang binu-bully ito dahil wala itong taglay na ‘quirk’.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.