Google Ads

Kakashi Hatake

Avatar

Kakashi Hatake

Gender: Male

Birthday: September 15th

Shippuden Age: 33 Years Old

Other Information: Hatake Clan, Team Minato,

Avatar

Kakashi Hatake
(はたけカカシ)


Si Kakashi Hatake o mas kilala sa tawag na Kakashi ay isang shinobi mula sa bayan ng Konoha. Kilala siya hindi lamang sa kanyang sariling bayan kundi pati na rin sa mga karatig lugar bilang ‘Kakashi of the Sharingan’ o ‘Copy Ninja Kakashi’. Hindi maitatangging isa si Kakashi sa mga pinakamagaling na ninja ng Konoha dahil sa kanyang angking talento, talino, na siya namang dahilan kung bakit madalas siyang nilalapitan ng tao upang humingi ng payo sa pagde-desisyon at pati na rin sa pamumuno.

Isa siya sa mga naging estudyante ni Namikaze Minato na siyang naging Ikaapat na Hokage ng bayan ng Konoha. Dito niya nakasama sina Rin at Obito Uchiha, ang taong tinuturing siya pareho bilang mahigpit na karibal at malapit na kaibigan.

Siya rin ang leader ng Team 7 o Team Kakashi na binubuo nina: Uzumaki Naruto, Uchiha Sasuke, at Haruno Sakura. Para sa kanyang mga estudyante, laging ipinapaalala ni Kakashi ang kahalagahan ng ‘teamwork’ o pagkakaisa sa pagtupad ng kanilang misyon. Ang bagay na ito ay natutunan niya sa isang mapait na pamamaraan kung saan dito niya rin natanggap ang kanyang ginagamit na Sharingan mula sa kanyang kaibigan na si Obito Uchiha.
Matapos ang Ikaapat na Shinobi World War, itinalaga si Kakashi bilang Ikaanim na Hokage ng bayan ng Konoha.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.