Google Ads

Hunter License

Avatar

Hunter License

Information:

Benefits, Certification, Ranking.

Avatar

Hunter License
(ハンターライセンス) Hantāraisensu


Ang Hunter License ay isa sa mga pinakamahalagang card, isa ito sa mga pinaka importante na kagamitan ng mga Hunter. Matatawag kalamang bilang isang totoong hunter kapag meron kana nito ginagamit din ito bilang isang access sa mga lugar na mapanganib.

Ang Hunter Lecense ay mukhang katulad ng isang credit card, ngunit bahagyang makapal ito ipinapakita sa harap ang ranggo ng isa Hunter habang ang nasa likod naman ay may serial number dito makikita ang mahigpitang patunay na hindi ito magagaya. Sa pagiging lisensyado bilang isang opisyal na hunter ay may ibinibigay na benepisyo ang gobyerno sa may mga lisensya. Dahil dito napakaraming bilang ng mga tao ang nagparehistro para sa pagsusulit sa pag kuha ng lisensya.
Ang mga baguhang Hunter ay makakatanggap ng isang karaniwang Hunter License. Gayunpaman ang Hunters License ay maaaring lagyan ng level o star bawat tagumpay nilang natatagumpayan sa kanilang serbisyo. Iginagawad ang star sa lahat ng mga hunter na qualipikadong natagumpayan nya mag isa ang isang misyon ginagawad ito ng Hunter Association para sa mga makabuluhang kontribusyon sa lipunan.
1st Star o Single Star Hunter – ito ang mga hunter ng gumagawa ng kamangha-manghang tagumpay sa isang particular na larangan.

2nd star o Double Star Hunter – isa ito sa mga Hunter na nagtagumapayan nya na ang kanyang estudyante ay naging isang single star hunter at naipasa nya ang limang uri na napapaloob sa Hunter Bylaws.

3rd Star o Triple Star Hunter – Ito ang pinaka-bihira at pinakamahirap na ranggo na ibinibigay ng hunter association ito ay itinuturing isa sa pinakamalaking karangalan na matatanggap ng isang hunter. Ibinibigay ito kapag naisatupad ng hunter ang 6 na pinakaunang artikulo ng Hunter Bylaws at Nakagawa ng kamangha-manghang tagumpay sa larangan ng mga hunters.

Kaya masasabi natin na subrang hirap makuha ang Hunter License sa mundo ng mga hunter, malimit lamang ang nakakakuha nito ang subrang konti lamang nila sa mundo na may meron nito.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.