Google Ads

Hero Association

Avatar

Hero Association

Information:

Manage all of the cities heroes.

Avatar

Hero Association
(ヒーロー協会) Hīrō kyōkai


Ang Hero Association ay ang namamahala sa lahat ng hero sa buong bansa ng anime, itinatag ng isang multi-millionaire na nagngangalang Agoni kung saan ang kanyang apo ay nailigtas ng isang taong napadaan lamang mula sa isang misteryosong nilalang. Pagkatapos na marinig ang tungkol sa insidenteng ito ay sumagi sa kanyang isip ang National Superhero Registry at tuluyang itinatag ang Hero Association gamit ang pondo mula sa iba’t ibang Negosyo at mula rin sa mga donasyon galing sa publiko.

Noong una ay nahahati ang Hero Association mula sa C hanggang A-Class at parehas na Sistema rin para sa mga halimaw. Halimbawa, ang isang disaster level ‘Demon’ ay hindi tinatawag na “Demon” kundi “misteryosong nilalang na maaari lamang matalo ng isang grupo mula sa A-Class na mga bayani”.

Nakakalikom ang Hero Association ng pera para sa asusasyon mula sa mga tao sa iba’t ibang panig ng bansa na siya ring nagsisilbing pasasalamat ng mga ito sa mga bayaning nagpoprotekta sa kanila mula sa mga misteryosong nilalang na anumang oras ay bigla nalang lilitaw. Nakakatanggap rin sila mula sa ibang mga bilyonaryong tao sa pamamagitan ng private funding.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.