Google Ads

Gon Freecss

Avatar

Gon Freecss

Gender: Male

Birthday: May 5th

Age: 12 Years Old

Nen Type: Enhancer

Avatar

Gon Freecss
(ゴン゠フリークス)


Si Gon Freecs o mas kilala sa pangalang Gon ay isa sa mga pangunahing karakter sa seryeng Hunter X Hunter. Unang nakita si Gon na nangingisda sa Whale Island ng isang isdang tinatawag na The Master of the Swamp- isang napakalaking isda na kahit pagtulungang hulihin ng limang mangingisda ay hindi basta nahuhuli, ngunit napagtagumpayan itong mahuli ni Gon pagkatapos ng isang linggong pagtatrabaho. Gumawa siya ng isang kasunduan sa kanyang tiyahin na si Mito Freecs, na siya ring nag alaga sa kanya mula nung maliit pa siya, na kung makakahuli siya nito ay papayagan siya nitong lumahok sa Hunter Exam. Matapos niyang makuha ang pahintulot ni Mito ay agad niyang inasikaso ang kanyang aplikasyon sa Hunter Exam.

Nang makauwi si Gon, kinausap niya ang kaniyang tita Mito at tinanong kung alam nito kung nasaan ang kaniyang ama. Sinabi sa kanya ng kanyang tiyahin na iniwan siya ng kanyang ama sa kanya nung siya ay sanggol pa lamang. Naintindihan naman ni Gon ang dahilan ng kanyang ama at sinabing maaaring may mahalagang bagay ang isang pagiging hunter at panahon na umano na gustong makilala niya ang kanyang ama.

Muli siyang nakita na naghahanda sa pagsakay ng barkong papunta sa lugar ng Hunter Exam. Lahat ng mga tao sa kanilang lugar ay nagpaalam sa kanya at sinabi na sana ay magtagumpay niya sa kaniyang tatahakin. Dumating naman si Mito at sinabi sa kanya na hindi siya pinabayaan ng kanyang ama. Sumakay na si Gon sa barko at sumigaw sa kanya na siya ay babalik bilang isang mahusay na hunter. At dito nag simula ang kanyang kwento bilang isang pangunahing tauhan ng hunter x hunter.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.