Google Ads

Genos

Avatar

Genos

Gender: Male

Birthday:Unknown

Age: 19 Years Old

Ability: Mechanical Strength,Immense Speed

Avatar

Genos
(ジェノス, Jenosu)


Si Genos ay isang disinwebe-anyos na binatang cyborg at kasalukuyang estudyante o alagad ni Saitama. Layon niyang maging malakas at lalo pang lumakas sa paglipas ng panahon habang pinaglalaban ang hustisya. Magkasabay sila ni Saitama na nagparehistro sa Hero Association at ngayon ay tinatawag na Demon Cyborg at kabilang sa S-Class na pangkat ng mga bayani.

Masasabing si Genos ay isang napakaseryosong karakter. Bibihira siya makipagbiruan at gumawa ng anumang nakakatawang bagay. Nakatatak sa isip ni Genos na kailangan niyang magpursige nang magpursige upang maging mas malakas at si Saitama ang kanyang napiling maging master. Lagi siyang humihingi ng mga payo mula kay Saitama kung paano pa siya mas magiging malakas at makamit ang kanyang mga layunin.

Madalas na makikita si Genos na magkaroon ng mga upgrade sa kanyang katawan upang mas maging malakas, maliksi at siyang nakikita niyang paraan upang magtagal siya sa laban at maipanalo ito. Kahit sa kabila ng mga ito ay nahihigitan pa rin siya ni Saitama gamit lamang ng isang suntok. Naniniwala si Genos na may sikreto ang kanyang master sa kabila ng kanyang pambihirang lakas na taglay na siyang nagbibigay ng motibasyon sa kanya upang lalong obserbahan ito upang mas maintindihan kung paano ito nakamit ni Saitama.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.