Google Ads

Black Bull Base

Avatar

Black Bull Base

Information:

Black Bull's base of operations is a headquarters that houses all of the members.

Avatar

Black Bull Base
(ブラックブルベース) Burakkuburubēsu


Ang base ng grupong Black Bulls ay nagsisilbin na ring headquarters kung saan naninirahan ang lahat ng miyembro nito. Ang headquarters na ito ay nasa anyo ng isang malaki at mataas na bahay o gusali. Ang gusaling ito ay binubuo ng maraming palapag na gawa sa bato at laryo o ladrilyo. Marami din itong mga malalaking bintana at tsimenea (chimney) at nag-iisang gate na gawa sa kahoy bilang pasukan. Ang base nilang ito ay matatagpuan sa loob ng isang gubat sa Common Region. Nung naglaon ay inilipat ang kanilang headquarters sa Neutral Zone malapit sa border ng Spade Kingdom bilang parte ng kanilang misyon sa pag-iimbestiga tungkol sa mga diablo (devils).

Ilan sa mga natatanging pook ng kanilang base ay ang kanilang dining hall kung saan lahat ng mga miyembro ng grupo ay kumakain, isang kusina, isang pampublikong paliguan, isang underground na hawla o kulungan kung saan maraming mga halimaw ang matatagpuan, at kwarto na natatangi lamang para sa mga kababaihan- binubuo ng napakaraming mga patibong. Kung living quarters ang pag-uusapan, hindi hamak na mas malaki at malawak ang sa mga senior members kung ikukumpara sa quarters ng mga baguhan pa lamang.

Ang layout o panlabas na anyo ng headquarters ay madalas na nag-iiba dahil sa kapangyarihan ni Henry at pwede niya rin itong pakilusin ng naaayon sa kanyang kagustuhan. Sa laban sa gitna ng Eye of the Midnight Sun at mga elf, nagtamo ng malaking pinsala ang base nila at lumiit hanggang sa maging kasing liit nalang ito ng iisang kwarto. Ilang araw mula non, muling ibinalik ni Henry ang dating laki ng base at orihinal na layout nito.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.