Google Ads

Shinobi Ninja

Avatar

Shinobi Ninja

Information:

Manage the main village.
Type of Ninja who specialized in unconventional warfare such as infiltration, sabotage and assassination.

Avatar

Shinobi (忍) Shinobu


Karamihan sa mga shinobi ay parte ng mga samahan o mga grupo. Kumikilos sila bilang indibidwal o pwede ring bilang grupo upang tapusin ang mga misyon na nakalaan sa kanila. Naaatasan rin sila ng mga tungkulin sa loob ng organisasyon kagaya na lamang ng mga pagsasanay.

Kapag ang isang estudyante ng Shinobi Academy ay magtatapos na, madalas nagiging parte sila ng Shinobi forces at napapabilang sa ranggo na ‘genin’. Sa pamamagitan ng pagpasa ng mga pagsusulit at iba pang mga pagsasanay ay napapataas ng isang genin ang kaniyang ranggo. Mula ‘genin’, ‘chunin’, at ang panghuli ay ang ranggo ng ‘jonin’. May mga pagkakataon din namang kapag ang isang shinobi ay bihasa sa isang partikular na kakayahan ay maaari silang mapabilang sa ranggo ng ‘tokubetsu jonin’: ang ranggo sa pagitan ng chunin at jonin.

May pagkaiba-iba man sa bawat bayan ang mga shinobi ay nananatili namang magkapareho ang istraktyur at pamunuan ng mga ito. Sa pinakataas ng organisasyong ito ay ang pinuno ng bayan o ‘Kage’ na tinatawag kung ibabatay sa Five Great Shinobi Countries. Pinamumunuan nila ang buong bayan at mga shinobi na nasasakupan nito na may konseho. Ang konseho ay madalas na binubuo ng mga pinaka magagaling na shinobi at pati na rin mga nakakatanda sa mga ito.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.