Google Ads

All Might

Avatar

All Might

Gender: Male

Birthday: June 10th

Age: 53 - 59

Other Information: Both skinny
and muscle forms

Avatar

All Might
(オールマイト)


Si All Might ang kinilala bilang pinakamalakas at pangunahing bayani ng mundo. Siya ang nagsilbing simbolo ng kapayapaan na siyang dahilan kung bakit kinaiinisan ng mga masasamang-loob ang kanyang presensya sa mundo. Nagawa niyang talunin si ‘All for One’, isang napakadelikadong kalaban na minsan ay namuno at naghari sa buong Japan ilang taon na ang lumipas. Kinilala rin si All For One bilang pinakamalakas na kalaban sa buong mundo. Gayunpaman, nagawa siyang talunin ni Allmight. Sa lahat ng nakagamit ng kapangyarihan ng ‘One For All’ ay si Allmight lamang ang nagtagumpay na talunin si ‘All For One’. Nagawa man niyang talunin ang napakalakas na kalabang ito ay nagtamo siyang ng matinding pinsala sa kanyang katawan na naging dahilan upang malimitihan ang kanyang pag gamit ng kanyang kapangyarihan.

Si All Might ang ika-walong nakapagtamo ng kapangyarihan ng ‘One For All’ matapos ipasa ito sa kanya ni Nana Shimura. Nakita nating lahat na kanya itong ipinasa kay Izuku Midoriya at kasalukuyan niyang sinasanay bilang kanyang tagapagmana. Pagkatapos niyang gamitin lahat ng natitirang kapangyarihan ng ‘One For All’ sa kanyang katawan upang matalo ang ‘All For One’ ay tuluyan nang nagretiro si All Might at winakasan ang kanyang panahon bilang pinakamalakas at pangunahing bayani ng mundo.

Itinuturing ni All Might si Izuku Midoriya na para na niya itong sariling anak maging ang iba pa nitong mga estudyante sa hero academy. Makikitang mahilig magbigay ng payo at himukin ang loob ng mga ito. Maging sa mga tagumpay na nakakamit ng kanyang mga estudyante ay kanyang ikinasasaya at pinagdiriwang.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.