Google Ads

Hunter x Hunter Most Trending on Social Media Platforms

Hunter x Hunter No.1 Trending ngayon sa Social Media Platforms

Dahil sa inilabas na bagong balita mula sa bagong twitter account ni Yoshihiro Togashi na gumawa ng Hunter x Hunter, na kinumpirma naman ng may akda ng One Punchman na si Yasuke Murata na ito ay babalik. Nagpapahiwatig na siya ay kasalukuyang gumagawa ng mga bagong manga chapters para sa minamahal na serye.

Ang balitang ito ay ikinagulat ng maraming tagahanga ng serye, lalo na sa mga naghihintay ng balitang ito. Sa mga hindi nakaka alam, huminto ang manga ng hunter x hunter ng 4 na taon dahil ang author na si Togashi ay mayroong dinaranas na karamdaman na nagdulot sa kanya ng matinding pananakit ng kanyang likod. Sa kadahilanang ito, natigil ang kaniyang paggawa ng bagong chapters para sa manga ng HxH.


Ang kaniyang twitter account na kagagawa pa lamang niya noong May 2022 kung saan niya ibinahagi na siya ay gumagawa ng panibagong chapters ay mayroon nang 22 million followers makalipas lamang ng ilang araw. Hindi maikakaila na marami ang nakasubaybay at patuloy na naghihintay sa kasunod na chapters ng batikang anime. Hindi lamang ang mga fans ang nasabik kundi pati na ang mga voice actors ng dalawang protagonista nito na sina Gon at Killua. Ika pa nga ng iba ay magbabalik na ang isa sa mga OG animes at ang fandom nito.

Kinumpirma naman ng iba’t-ibang platform kung gaano katunay ang balitang ito dahil matatandaang ilang beses nang nagkaroon ng mga fake news tungkol sa pagbabalik ng anime na HxH. Ngunit ngayon sa wakas ay talagang matutuloy na ang pinakahihintay ng lahat.

Synopsis

Hunter x Hunter story focuses on a young boy named Gon Freecss who discovers that his father, who left him at a young age, is actually a world-renowned Hunter, a licensed professional who specializes in fantastical pursuits such as locating rare or unidentified animal species, treasure hunting, surveying unexplored enclaves, or hunting down lawless individuals. Gon departs on a journey to become a Hunter and eventually find his father. Along the way, Gon meets various other Hunters and encounters the paranormal.

Ano ang inyong opinion tungkol sa balitang ito? Halina’t ibahagi ito sa amin at sa buong anime community…

Tingnan ang buong article namin tungkol sa anime na Hunter x Hunter. Hunter x Hunter Article Review

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.