Google Ads

Attack on Titan The Final Season Anime Part 2 will be available in English dub

Crunchyroll, Funimation ay mag-papalabas ng English dub ng Attack on Titan The Final Season Part 2

Magsisimula nang mag-stream ng English dub ng anime na Attack On Titan Final Season Part 2 sa darating na February 13. Hindi lamang ang wikang Ingles ang magiging available sa araw na ito kundi pati na rin sa wikang Spanish at Portuguese.

Magde-debut ang English dub ng anime sa Adult Swim’s Toonami programming block sa darating na February12.

Ang part 2 ng final season episode 76 na may pamagat na “Danzai” o “Sentencing” sa wikang Ingles ay nagpremiere noong January 9 sa NHK General Channel. Muling nagbalik ang ibang mga datihang staff kabilang na dito ang director na si Yuichiro Hayashi ng MAPPA, series scriptwriter Hiroshi Seko, character designer Tomohiro Kishi, at music composer Hiroyuki Sawano at Kohta Yamamoto.

I-stream ng Crunchyroll at Funimation ang Part 2 ng Attack On Titan Final Season habang ini-ere ito sa Japan. Available na ito sa United States, Canada, Australia, New Zealand, Latin America, Europe, the Middle East, Russia, habang ang Funimation naman ay mag-iistream ng English dub ng anime isang araw matapos itong i-premiere sa Toonami.

Ang pinakaunang season ng anime ay inilabas sa telebisyon noong April 2013, ang ikalawang season naman ay noong April 2017. Ang unang bahagi ng ikatlong season ay nag-premiere noong July 2018 at ang ikalawang bahagi ay noong April 2019 sa NHK General Channel sa Japan. Sumikat ang anime na AOT, dahil sa meron itong kakaibang genre na ikinaganda ng kwento.

Synopsis

A century ago, the grotesque giants known as Titans appeared and consumed all but a few thousand humans. The survivors took refuge behind giant walls. Today, the threat of the Titans is a distant memory, and a boy named Eren yearns to explore the world beyond Wall Maria. But what began as a childish dream will become an all-too-real nightmare when the Titans return and humanity is once again on the brink of extinction - crunchyroll
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.