Google Ads

Viral from Social Media Zoro of One Piece Impersonated by Netizen

Viral sa Social Media ng Pilipinas 'Mang Boy' Ginawan ng Anime Character na Pinagkatuwaan ng mga Pinoy

Sumikat sa Pilipinas ang anime Trending sa Social media, ginawan ng Zoro character ang isang dating umanong pulis na tinatawag nilang ‘Mang Boy’ matapos maglabas ng samurai sa kanyang mga kapitbahay dahil sa malakas na tugtog o tunog ng speaker sa labas ng kalsada. Nangyari ito noong mismong araw ng bagong taon.

Sa video makikita ang pagtatalo ng dalawang magkapitbahay bagamat wala pang actual na interview para sa kanilang mga panig na kung ano ang totoong dahilan ng kanilang sigalot.

Dahil dito ginawan ng sarili sariling mga memes ang lalaking may dalang samurai sa video, isa na dito sa mga nag trending ay ginawang ZORO anime character si Mang Boy.

Ito mismo ang isa sa mga ng trending na character na ginawa:

Batay sa video, pinatitigil ni Mang Boy ang tugtugan dahil sa sobrang ingay ng kanilang speaker, ngunit nakiusap naman ang mga nasa video na unawain sila sapagkat bagong taon naman.

Makikita rin sa video kung paano nanggigil si Mang Boy kung saan hinawakan pa nito ang isa sa mga nasa inuman matapos tagain ang isang speaker. Isa din sa mga pinag initan ng mga netizen ang kasama ni Mang Boy na umawat sa kanila.

Narito ang mga reaksyon ng mga Netizen tungkol sa video:

Bagamat burado na ang orihinal na post ng mismong kumuha ng video, pinakalat na ito ng iba pang mga Social Media Platform user.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.