Google Ads

My Dress Up Darling Anime has a unique censorship in South Korea

Pinalagyan ng censor ng South Korea ang anime na My Dress Up Darling

Sa larangan ng romance anime, ang My Dress Up Darling ang siyang nangunguna at namamayagpag ngayong taon. Ganunpaman, sa bansang South Korea ay mayroong nangyayaring ‘weird censorship’ kung saan naka-censor ang iilang bahagi ng katawan ng bidang si Marin. Totoo nga ba ang katagang ‘with great popularity comes weird censorhip’?

Ayon sa isang tanyag na Korean blog na FMkorea, kumalat sa pamamagitan ng shares ang iilang kuha sa ikalawang episode ng My Dress Up Darling kung saan isinusukat ni Marin ang isang swimsuit. Makikita dito na naka-censor o blur ang pang-ibabang parte ng katawan ni Marin. Ang censorship na ito ay nag viral sa social media dahil mapapansing ang ibabang parte lamang ang naka-censor at hindi kasali ang kaniyang cleavage.

Narito ang mga ilang imahe na naka-censor:

Ang anime na My Dress Up Darling ay base sa manga series na isinulat ni Shinichi Fukuda. Nagsimula siya sa larangan ng manga serialization noong January 2018 sa Square Enix’s Young Gangan magazine. Ang manga nito ay bumenta na ng mahigit sa 3.8 million copies.

Ang CloverWorks studio naman ang siyang nag-produce ng anime adaptation ng manga na nagsimulang i-ere noong January 8, 2021 sa Crunchyroll. Si Keisuke Shinohara naman ang director ng anime series nito at magkakaroon lamang ito ng 12 episodes.

Kayo? Anong opinyon niyo tungkol sa censorship na ito?

Plot Summary

Si Wakana Gojo ay isang first-year high-school student na nangangarap na maging isang Hina doll craftsman. Isang araw sa kanyang unang semestre, nakita siya ng kanyang sikat na kaklase na si Marin Kitagawa na gumagawa ng mga costumae na manika sa silid ng paaralan. Si Marin, na matagal nang gustong mag-cosplay at naobserbahan ang husay ni Wakana sa pananahi, hiniling sa kanya na gumawa ng costume ng isang character mula sa isang video game na kanyang hinahangaan. Sa kabila ng katotohanan na si Wakana ay walang karanasan sa paggawa ng isang kasuotan o pang-cosplay at dito mag sisimula ang kanilang kwento.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.