Google Ads

Demon Slayer Season 2 ay malapit na!

Demon Slayer Season 2 ay malapit na! Abangan!

Demon Slayer Season 2 Inihayag ng Japanese TV station Fuji TV ang kanilang October line-up kung saan inihayag rin kung kailan ilalabas ang ikalawang season ng Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba. Hindi lamang ang oras kung kailan ito ipapalabas ang kinumpirma kundi pati na rin kung anong buwan ito ilalabas.

Ayon sa Fuji TV, ang Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba Entertainment District Arc ay mapapanood tuwing araw ng Linggo simulang ngayong Oktubre sa oras na 11:15PM. Samantalang hindi pa nakukumpirma ang tiyak na petsa kung kailan ito ipapalabas, kinumpirma naman ng Fuji TV na tuwing Linggo ito mapapanood.

Ang Entertainment District Arc season ay ang karugtong ng film na Mugen Train kung saan tinahak nina Tanjiro, Zenitsu at Inosuke ang kanilang misyon.

Ipapalabas naman ng Funimation ang bagong season ng Demon Slayer kapag ito ay inilabas na ngayong taon. Minsan nang ini-stream ng Funimation ang tatlong compilation specials sa linggwaheng Japanese na may English subtitles at mayroon ding English dub.

Inanunsyo rin na marami pang detalye ang ihahayag sa Entertainment District Arc sa September 25 matapos ang unang airing ng Demon Slayer – Kimetsu No Yaiba: Mugen Train kasali na rin ang mga bagong cast members at brand new key visual.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.