Google Ads

Shaman King New X-Law Member

Shaman King Anime inilabas na ang opisyal na listahan ng mga bagong miyembro ng X-Law

Ang X-Laws ay isang fictional group sa Shaman King. Ang grupong ito ay isang samahang paramilitary na naitatag na ang hangarin ay puksain ang lahat ng kasamaan sa mundo at ang mga pagdurusa.

Sa opisyal na Twitter account ng anime na ‘Shaman King’ na likha ni Hiroyuki Takei inilabas ang mga larawan ng bagong mga tauhan nito. Ang lahat ng mga bagong tauhan sa kwento ay sinasabing miyembro ng X-Laws.

Kabilang sa mga bagong miyembro nito ay sina:
• Mariko Nagai bilang si Meene Montgomery
• Takumu Miyazono bilang si Porf Griffith
• Tsuguo Mogami bilang si Cris Venstar
• Kousuke Takaguchi bilang si Larch Dira
• Katsuyuki Konishi bilang si John Denbat
• Wataru Takagi bilang si Cebin Mendel

Ang ‘remake’ ng Shaman King anime ay inilabas noong April 1 at kasalukuyan pa ring ipinagpapatuloy. Takdang ilalabas ito sa Netflix worldwide sa August 9 na binubuo ng 52 na episodes.

Isusunod ang anime na Shaman King mula sa 35 volumes ng bago at kumpletong edisyon ng manga. Sinimulan itong i-publish ng ‘Kodansha’ noong June. Matatandaang ang unang adaptation ng anime ay ipinalabas noong taong 2001.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.